Jessie J
-- Advertisements --

Ibinahagi ng singer na si Jessie J ang hindi matagumpay na pagbubuntis nito.

Sa kaniyang Instagram ay ibinunyang nito na nakunan siya sa kaniyang ipinagbubuntis.

Dagdag pa ng 33-anyos na singer na sumailalim ito sa ikatlong scan at nakita na hindi na tumitibok ang puso ng sanggol na kaniyang dinadala.

Hindi naman nito binanggit kung ilang buwan na ang dinadala nitong sanggol.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa kaniyang fans at kapwa singer matapos na mabalitaan ang pangyayari.

-- Advertisement --

Nakilala ang singer sa mga kanta nitong “Price Tag”, “Domino” at maraming iba pa.