-- Advertisements --

Ginawaran na ng Albanian citizenship ang singer na si Dua Lipa.

Mismong si Albanian President Bajram Begaj ang naggawad ng citizenship sa singer.

Si Lipa ay anak ng Albanian immigrants at isinusulong ng singer ang mga mabubuting balita mula sa Albania.

Ayon sa Albanian President na dahil sa adbokasiya ng singer ay nagbibigay ito ng karangalan sa bansa.

-- Advertisement --

Tinawag naman ng singer na isang malaking karangalan ang pagbibigay ng pagkilala sa kaniya.

Ang singer ay isinilang sa London mula sa immgrant na magulang.

Noong 2016 ay kasama nito ang ama ay naglunsad sila ng Sunny Hill Foundation para makalikom ng pondo na itutulong sa mga mamamayan ng Albania.