Hindi na pinatulan ng British singer Adele ang mga negatibong komento tungkol sa kaniyang pagpapapayat.

Sa kaniyang social media account, sinabi nito na normal lamang na hindi lahat ay mapapahanga niya sa kaniyang ‘new-look.

Dagdag pa nito na noon pang Abril ay nagsimula itong kumuha ng personal trainer para ito ay pumayat.

Hindi rin aniya nito maitago na noong 2008 ng ito ay bago sa industriya ay naging insecure ito sa kaniyang pangangatawan.

Marami sa kaniyang kaibigan sa industriya ang nagsabing kailangan niya talaga niyang mag-diyeta.

-- Advertisement --

Mula ng lumabas ang bagong katawan nito ay magkakahalong reaksyon sa kaniyang fans ang kaniyang nakuha.

May iba ang nababahala na baka ito ay may sakit habang ang ilang ay natutuwa dahil nakamtan ng singer ang pangarap nitong pangangatawan.