Lizzo
Lizzo/ IG post

May kakaibang paraan ang singer na si Lizzo para tulungan ang mga frontliners na tumutulong sa paglaban sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapakain sa mga medical staff ng Henry Ford Hospital sa Detroit.

Sa Tweet ng nasabing pagamutan labis ang pasasalamat nila sa singer dahil sa ginawa nito.

Pinasalamatan din ng singer ang mga medical staff dahil sa kakaibang pakikipaglaban ang kanilang ginagawa para tuluyan ng masawata ang nasabing virus.

Bukod sa Henry Ford Hospital ay tinulungan din ng singer sa pamamagitan ng pagpapakain sa mga emergency worker ng M Health Fairview hospital sa Minneapolis sa Minnesota.

Ilan sa mga kantang pinasikat nito ay ang “Juice”, “Truth Hurts” at maraming iba pa.