-- Advertisements --
Nakaranas ng hindi kanais-nais ang singer na si Billie Eilish sa kaniyang konsiyerto.
Habang nagtatanghal kasi ang singer-songwriter sa knaiyang sold-out crowd concert sa Kaseya Center sa Miami Center ay bigla itong hinila ng fans.
Agad naman na itinulak ng mga security at bouncer ang fans na humila sa singers.
Ipinagpatuloy pa rin ng singer ang kaniyang konsiyerto kahit kasunod ng nasabing pangyayari.
Ang kaniyang konsiyerto sa Miami ay pagsisimula ng American leg ng “Hit Me Hard and Soft” tour.