Pumanaw na ang singer na si Alan Merrill dahil sa coronavirus sa edad 69-anyos.

Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Laura kung saan naging masigla pa ang ama noong nakaraang mga linggo.

Dagdag pa nito na dapat talagang seryosohin ng mga tao ang nasabing home quarantine na ipinapatupad para maiwasan ang coronavirus.

Nakilala si Merill bilang co-writer at original singer ng “I Love Rock ‘N’ Roll” na naging global hit ni Joan Jett noong 1982.