-- Advertisements --
image 302

Halos dumoble ang tax na nakolekta ng pamahalaan sa mga ilang sin products noong nakalipas na taon

Batay sa tala ng Department of Finance, ang kabuuang excise tax collection sa mga tobacco at vapor products ay tumaas ng 66%. Noong 2022 kasi, umabot sa P630.6Million ang nakulekta ng pamahalaan habang 379.48 lamang noong 2021.

Sa produktong tabako, ang excise tax na nakulekta noong 2022 ay umabot sa P413.28Million kumpara sa P136.6Million noong 2021. Ito ay mas mataas din ng 27%.

Habang sa vape products, kabuuang 217.33Million ang nakulekta kumpara sa 136.6Million noong 2021. Umakyat din ito ng 27%.

Batay sa naging koleksyon ng Bureau of Internal Revenue, ang tax na nakulekta sa mga tobacco products ay umangat ng 56% noong 2022, kumpara sa koleksyon noong 2021.

Sa likod nito, bumaba naman ng 12% ang nakulekta ng Bureau of Customs mula sa mga tobacco at vape products na pumasok sa bansa.

Lumalabas kasi na P113.48Million ang nakulekta ng Customs Office noong 2022 mula sa mga pumasok na tobacco products sa bansa, habang noong 2021 ay pumalo sa 129.64 Para sa Vape, nakakolekta ang BOC ng 129.64Million noong 2021 ngunit noong 2022 ay umabot lamang sa79.1Million.

Ito ay mas mababa ng 39%.