-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine Army na kabilang na rin ang pagsasagawa ng simulated invasion sa isasagawang Combined Arms Training Exercises ng hukbo.

Ayon kay Philippine Army commander, LTGen. Roy Galido, kabibilangan ng large-scale formations na gagalaw mula Visayas at Mindanao patungo sa Luzon ang naturang pagsasanay ng kasundaluhan.

Sa madaling salita ay ipinaliwanag ng heneral na sa pamamagitan nito ay sini-simulate ang kasundaluhan ang mga tropa para sa mga possoble security situation na may sasakop sa ating bansa.

Aniya, layunin nito na ma-ensayo ang mga unit ng PH Army sa kanilang bagong tungkulin na depensahan ang teritoryo ng Pilipinas.

Kung maaalala, una nang idinaos ang send-off ceremony ng mga sundalong lalahok sa Combat Readiness Training Area sa Laur, Nueva Ecija na bahagi ng Combined Arms Training Exercise ng Hukbong Katihan na nilalayong masubok ang kapabilidad ng mga tropa sa move, maneuver, and sustain large-scale forces sa kasagsagan ng combat operations. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)