Idiniin ni House ways and means panel chair Rep. Joey Salceda ang kahalagahan ng “mas simple at mas malinaw na mga patakaran sa buwis” sa gitna ng napipintong paglilipat ng mga BPO sa Board of Investments (BOI).
Aniya, dapat gawing “mas simple” ng gobyerno ang mga patakaran sa buwis para sa mga kumpanya ng business process outsourcing (BPO) na may mga work-from-home arrangement upang mapanatili ang pag-unlad sa sektor ng BPO.
Hiniling ni Salceda sa Department of Finance at Bureau of Internal Revenue ang “pinasimple at rationalized system ng pag-require at pagpapatunay ng documentary proof” para sa mga allowable deductions sa ilalim ng Republic Act No. 11534, o ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act.
Ang batas na ito ay nagpapahintulot sa mga BPO na maka-avail ng mga bawas sa mga gastos sa kuryente, mga gastos sa paggawa, mga gastos sa pagsasanay at pananaliksik at pag-unlad sa halip na ang limang porsyento na espesyal na corporate income tax rate kung sila ay magparehistro sa Board of Investments (BOI).
Idinagdag niya na ang “madali at malinaw na pagsunod sa buwis para sa mga BPO ay makakatulong na mapanatili ang paglaki ng BPO ng bansa” sa gitna ng mga pagtataya na ang industriya ay lalago taun-taon ng 8 porsiyento sa susunod na anim na taon.