-- Advertisements --

Umapela ang Simbahang Katolika sa mga mananampalataya na lalo pang ilapit ang sarili sa Diyos, kasabay ng obserbasyon ng Semana Santa.

Sa naging homily ng Manila Cathedral rector Msgr. Rolando R. dela Cruz, ngayong Lunes Santo (March 30, 2026), hinimok niya ang mga mananampalataya na ilapit angsarili sa panginoon.

Marami aniya ang mga nagtutungo sa simbahan araw-araw at tumatanggap ng communion, ngunit sa kabila ng kanilang pagtungo sa mga nagsisilbing tahanan ng Diyos ay mas nailalayo pa ang kanilang sarili dahil sa hindi akmang kaisipan o gawain.

Inihalimbawa ng pari ang nangyari kay Judas Iscariot, isa sa 12 apostles ni Hesu-Kristo na kahit pa malapit siya sa Diyos at pinili na siya upang maging alagad, mas inisip pa niyang pagkaperahan ang kaniyang pagiging apostol.

Binigyang-diin ni Msgr. dela Cruz na ang pagiging alagad ng Diyos ay hindi nasusukat sa kung gaano kadalas magsamba o kung gaano kalapit ang tahanan sa Simabahan, at sa halip ay kung tinutupad ng bawat mananampalataya ang kaniya-kaniyang tungkulin sa Diyos at sa kaniyang kapwa.