-- Advertisements --
CaritasPH 1200x640

Kinondena ng Simbahang Katolika ang pagtatapo ng Japan ng radioactive water sa Karagatang Pasipiko.

Sa naging statement ng social arm ng Simbahan, ang Caritas Philippines, tinukoy ni Caritas Pres Bishop Jose Colin Bagaforo ang naturang hakbang bilang reckless.

Ayon kay Bagaforo, ang naturang hakbang ay mapaminsala sa kapaligiran at sa populasyon.

Inihayag din ni Bagaforo ang kanilang pagsuporta sa mga bishop ng South Korea at Japan nauna nang kinontra ang naging desisyon ng pamahalaan ng Japan na pagtatapon ng 1.34million na tonelada ng tubig mula sa nasirang planta.

Ayon kay Bagaforo, ang hakbang na ito ng Japan ay mistulang pagsusugal sa kalusugan ng mga tao.