Nais ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe, na maaprubahan hanggang Nobyembre ang SIM Card Registration Bill.
Ayon kay Poe kailangan nilang mag-double time upang maipasa ang panukala.
Ito aniya ang nakikita nilang lunas sa paglaganap ng text scams na lalo pang naging sopistikado, dahil nagagamit na mismo ang personal data ng mga subscriber.
Bukas, Miyerkules ay pangungunahan na ni Poe ang panibagong diskusyon sa mga panukala, kung saan tatalakayin sa committee hearing ang iba’t ibang reklamo hinggil sa text scams.
Kasama sa ipatatawag sa pagdinig ang National Privacy Commission,
(NTC), Department of Information and Communications Technology (DITC) at mga telecommunications firm.
Pagpapaliwanagin din ang Department of Trade and Industry (DTI), sa mga naglipanang text scams at paggamit ng iba pang gadgets para sa mga aktibidad ng panloloko.
Tinukoy ng senator ang ilang istilo sa text scam upang makapanloko ng mga tao para sa pera o pribadong impormasyon.
Bukod sa spam texts marketing ng iba’t ibang produkto, kinumpirma ni Poe na nakatanggap na rin siya ng mga mensahe at tawag, mula sa mga taong nagpapanggap na opisyal ng gobyerno at humihingi ng tulong pinansyal.