Kasabay ng pagbubukas ng Nutrition Month sa Hulyo, inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) ang binubuong “enhanced Nutribun” ng mga eksperto mula sa kanilang Food and Nutrition Research Institute (FNRI).
Kung maaalala, nakilalala ang Nutribun noong dekada 70 bilang bahagi ng school feeding program sa mga mag-aaral sa elementarya. Sinasabi kasing may mga sangkap itong makakatulong laban sa problema noon sa malnutrisyon.
“Nutribun was designed to be a convenient “ready-to-eat complete meal” for public elementary school feeding programs to combat child malnutrition. It was also used in time of disaster, particular during typhoon months where the Nutribun was airdropped to disaster victims,” ayon sa DOST.
Ayon sa ahensya, may mga dinagdag na sangkap ang nutrionists at food experts ng ahensya, tulad ng micronutrients na iron at vitamin A, para mapabuti ang sustansyang dulot ng dati nang kilala na Nutribun.
Lumalabas daw kasi sa inisyal na resulta na ang isang serving ng Nutribun, na binubuo ng tatlong tinapay, ay may kakayahang magbigay ng 523 calories, 18-grams ng protina, 5.4-milligrams ng iron, at 114-microgram ng vitamin A sa katawan.
“Meeting 33%, 60 %, 54%, and 29% of the recommended energy and nutrient intake of a male child, 6-9 years old (PDRI, 2015), respectively. For sensory evaluation, ENUTRIbun was rated “like moderately to like very much”.”
Dagdag ng DOST, susubukan pa ng kanilang FNRI experts na mapabuti ang formulation ng mga sangkap para mabigay ang kinakailangang nutrisyon ng mga batang estudyante.
“The next larger scale run will be conducted in a real bakery for time and motion and formal shelf-life studies, including consumer acceptability testing among target population. The preliminary study is expected to be completed by July. “