-- Advertisements --
Tuluyan nang tinanggal ang lahat ng signal warnings dahil sa paglayo ng tropical depression Butchoy.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 140 km kanluran hilagang kanluran ng Iba, Zambales o 165 km sa kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Inaasahang magpapatuloy pa rin ang mga pag-ulan kahit makalayo na ang tropical depression Butchoy, dahil sa makapal na ulap na nahatak nito at ang ulang dala ng hanging habagat.