-- Advertisements --
Maglalabas na ng signal warnings simula mamaya dahil sa posibleng maging epekto ng tropical depression Ambo.
Ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez, hindi pa naman agad mararanasan ang hagupit ng bagyo kahit maitaas na ang signal number one.
Parte lang umano ito ng alerto upang makapaghanda ang mga residente sa lugar na dadaanan ng sama ng panahon.
Huling namataan ang sentro ng TD Ambo sa layong 385 km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Halos wala namang pag-usad ang bagyo sa nakalipas na mga oras.