-- Advertisements --
Itinaas na ang typhoon signal number 1 sa northeastern Cagayan dahil sa bagyong Goring.
Ayon sa PAG-ASA na mabagal ang paggalaw nito patungo sa karagatang bahagi ng Batanes.
Nakita ang sentro nito sa 235 kilometer ng silangan ng Basco, Batanes.
Mayroong taglay na lakas na hangin na 65 kilometers per hour at pagbugso ng 80 kph.
Makakaranas ng malakas na hangin sa Santa Ana, Cagayan mula siyam hanggang 61 kph at pag-ulan sa loob ng 36 oras.
Inaasahan na lalakas pa ang bagyo ng umaga ng Sabado at Linggo ng gabi.
Hindi pa inaalis ng PAGASA na maaring maging super typhoon ang bagyong Goring.