-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Dinagsa ng husto ng mga deboto ng Itim na Nazareno ang muling pagbabalik ng taunang traslacion bilang bahagi ng kanyang kapistahan sa Cagayan de Oro City ng Northern Mindanao region.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Archdiocese of Cagayan de Oro Vicar General Msgr Perseus Cabunoc sa kasalukuyang kura paroko din ng Sr Jesus Nazareno Parish na inaasahan nila na dodoble pa ang bilang ng mga tao na naki-prosesyon sa Itim na Poon dahil hindi muna pinahintulutan ang traslacion para sa milyun-milyong deboto sa Quiapo,Maynila kaya tumawid ang mga ito sa papunta sa Mindanao.

Nagsisimula ang traslacion sa Cagayan de Oro taong 2009 matapos ipinagbigay-tiwala ng Minor Basilica ng Black Nazarene ng Quiapo ang replica nito upang hindi na luluwas ang taga-Mindanao at Visayas sa Maynila sa tuwing sasapit ang kanyang kapistahan.

Kaugay nito,tiniyak ng Police Regional Office 10 ang mahigit na seguridad ng selebrasyon at katunayan ay kasalukuyang naka-signal jam ang mga linya ng komunikasyon ng ilang oras para matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Sinabi ni PRO 10 spokesperson Police Maj. Joann Navarro na mayroon silang ibinaba na puwersa upang tulungan ang Cagayan de Oro City Police Office na mapanatili ang matiwasay at ligtas na pagdiriwang.

Samantala,nag-kuwento naman ang ilan sa mga deboto na umanoy’ nabigyang milagro ng Itim na Poon.

Sinabi ni Gng Yapet Matrilio na kaya ito naging deboto sa Black Nazarene ay dahil sa paggaling ng kanyang asawa na unang na-stroke at medically advise na operahan subalit sa hindi inaasahan ay pinakinggan at ibinigay ang naging kahilingan nito.

Kuwento rin ng isa pang lolong deboto na si Proceso Apilan na nakatakda sana itong operahan ng kanyang bato subalit dahil sa kawalan ng pera ay dumulog sa simbahan.

Paglalahad niya hindi niya inaasahan na ibigay sa kanya ang kanyang simpleng kahilingan na sana lalabas ang bato dahil wala itong pambayad sa operasyon ng ospital.

Sina Gng. Matrilio at Ginoong Apilan ay kabilang lamang sa hindi mahulugan ng karayom na deboto na lumalahok sa traslacion ng Black Nazarene mula sa Sr San Agustin Cathedral na hinandugan ng banal na misa at pabalik sa Sr Jesus Nazareno Parish kung saan magkaroo ng concelebrated holy mass na pamumunuan na ni Archbishop Jose Cabantan,D.D.,SSJV.