Ipinaliwanag ni retired Supreme Court justice Antonio Carpio na ang sigalot sa West Philippine Sea ay isang isyu na kakaharapin ng mga Pilipino sa mga susunod pang henerasyon.
Tinawag ito ni Carpio na intergenerational struggle para sa mga Pilipino na nakikita nitong hindi mareresolba sa lalong madaling panahon.
Ito ang naging tugon ng dating punong mahistrado nang tanungin kung mababawasana ang pagiging agresibo ng China sa mga tropa ng PH matapos manindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdepensa sa mga teritoryo ng PH.
Dagdag pa nito na sa nakalipas na taon, mas naging agresibo pa ang China kayat kailangan aniyang maghanda para sa mas mabaha pang pakikibaka.
Nilinaw din aniya ng China na ang WPS ay nasa kanilang teritoryo kasama ang high seas sa disputed waters. Subalit saad ni Carpio na ang high seas ay pag-aari ng sangkatauhan at walang nagmamay-ari dito subalit inaangkin ng China ang lahat bilang bahagi ng kanilang teritoryo.
Bagamat maraming bansa ang nagpahayag ng suporta para sa PH sa naturang usapin, ang China ang mayroong pinakamalaking hukbong-dagat sa buong mundo at isa din sa major nucler powers sa buong mundo kayat hindi dapat na hayaan ang China na sakupin ang WPS.