Mismong ang reigning Miss Earth-Philippines na si Janelle Tee ang mangunguna beach wear competition na naka-schedule ngayong araw.

Inaasahang “virtual” lamang ang event tulad sa talent at long gown competition.

Kaabang-abang din kung paano irarampa ng 2020 Miss Earth-Philippine candidates ang kani-kanilang beach wear, kung teternuhan ba ito ng face mask gaya sa idinaos na “Fitness, Form and Poise” category.

Nabatid na marami pang aktibidad para sa Miss Earth Philippines candidates, bago ang coronation ceremony sa darating na July 1 o 2, na gaganapin din sa pamamagitan lamang ng online bunsod ng pag-iingat laban sa coronavirus pandemic sa bansa.

Sunod na magpapatalbugan ang mga contender sa iba pang fashion competitions tulad sa sportswear sa June 16, at casual wear sa June 18.

Sasabak din sila sa “Beauty of Face” sa darating na June 13, at “Intelligence and Environmental Awareness” sa June 20.

Una nang naiulat na sa online na lamang din ipapahayag ni Tee ang kanyang farewell message.

Kung maaalala, bigo si Tee na maibigay sa bansa ang panglimang Miss Earth title pero kung saan nakapasok lamang ito hanggang Top 20.