Inisyuhan ng show cause order ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) Bureau of Plant and Industry (DA-BPI) para magpaliwang kaugnay sa pag-isyu ng import permit sa sibuyas noong Enero at Agosto ng kasalukuyang taon.
Ito ay matapos aprubahan ng House of Representatives Agriculture and Food Committee nitong Martes ang issuance ng nasabing show cause order.
Sa imbestigasyon ng Mababang kapulungan sa posibleng smuggling, hoarding, at price manipulation ng agricultural commodities, ipinunto ng mga mambabatas na lumabag ang DA-BPI sa pag-isyu nito ng permit gayong harvest season na para sa sibuyas hanggang sa Pebrero ng susunod na taon.
Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr, kung hindi pa aniya umapela ang mga magsasaka hindi hihilingin ng ahensiya sa importers na ipagpaliban ang importasyon ng sibuyas.
Base din sa data na natanggap ng komite mula sa mga opisyal ng DA-BPI, ibinunyag din ni Enverga na nagisyu ang ahensiya ng permit para sa pag-aangkat ng 5,775,000 kilo ng pula at dilaw na sibuyas noong Enero at 12,485,000 kilo naman ng dilaw na sibuyas noong Agosto.