Pakonti-konting inaayos na ng online shopping company na Shopee ang mga naghain ng reklamo sa kanila.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Trade Enforcement Bureau Director Ronnel Abrenica, na mayroong mga 10 complainants na ang nakausap ng kumpanya para sa pagsasaayos ng kanilang inihaing reklamo.

Ang nasabing hakbang ay kasunod din ng pagpayag ng dalawang panig na magkaroon ng pag-aayos.

Magugunitang inulan ng reklamo ang nasabing online shopping company matapos na nagkaroong ng aberya ang kanilang Kpop Black Pink promo.