NAGA CITY- Apat katao na ang naitalang patay kasama ang isang miyembro ng Philippine Army sa nangyaring pamamaril sa Barangay Balatas, Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan Pedro Allan San Juan, sinabi nitong nag-ugat ang barilan sa away sa lupa sa pagitan ng pamilya Mariano at Jeremias.

Ayon kay San Juan, matagal ng nag-aagawan sa bakanteng lote na katabi ng Eternal Gardens Cemetery ang dalawang pamilya hanggang sa pinabakuran aniya kagabi ni Mariano, may-ari ng Sto NiƱo Memorial Park ang naturang lote.

Ngunit, dumating aniya si Leo Jeremias, miyembro ng Philippine Army at anak ni Leopoldo Jeremias na kaaway ni Mariano at doon na nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Hanggang sa nauwi na aniya sa palitan ng putok sa pagitan ni Jeremias at ng mga security guards ng naturang sementeryo.

Nagtamo ng sugat sa katawan si Jeremias, ang Chief security ng sementeryo at dalawang trabahador na nauwi sa agarang kamatayn ng mga ito.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.