-- Advertisements --

Inirekominda ni Sen. Bong Revilla na alisin ang shipping fees ng mga transport service providers para matiyak ang sapat at mabilis na delivery ng mga relief goods sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

Sa kanyang inihaing Senate Bill No. 1560, o ang Relief Goods Free Transport Act, target na gawing ligre ang frieght services ng mga relief goods sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng state of calamity ng Pangulo o ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ng senador na kadalasan ay malaki ang sinsisingil na shipping fees para sa transport ng mga goods na ito sa kabila ng humanitarian reasons.

Sa ilalim ng kanyang panukala, ang Office of the Civil Defense (OCD), katuwang ang Philippine Postal Corporation (PPC) at lahat ng mga freight companies, common carriers, private carriers, freight forwarders at iba pang kompanyang may logistical services ay binibigyan ng mandato na gawing libre ang transport ng mga relief goods.