-- Advertisements --

Pinaluwag ngayon ng Bureau of Customs (BOC) ang pagpasok ng mga shipment na may dalang personal protective equipment (PPE) at medical supplies bilang tugon ng pamahalaan kontra pagkalat ng COVID-19.

Simula ngayong araw, epektibo na ang inilabas na administrative order ng Customs para ma-exempt sa documentary requirements ang importers ng naturang mga shipment.

Sa ilalim nito, hindi na sisingilin ang nasabing shipments ng mga dokumento tulad ng Certificate of Product Notification (CPN) o Certificate of Product Registration (CPR) mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

Ang kailangan lang daw ipresenta ng PPE at medical supply importers ay kopya ng kanilang “license to operate” at “proof of application for product notification with the FDA.”

Ganito rin ang dapat ipakita ng importer ng mga ventilators, respirators, at iba pang kailangang accessory.

Habang otomatikong ic-clear ang health products na dondated ng mga sertipikadong ahensya.

Hindi naman na kailangan ng FDa clearance ang donasyon na manggagaling sa ibang bansa.

Ayon sa Customs, alinsunod ang kautusan sa ipinasang Bayanihan to Heal as One Act kung saan urgent ang importation ng mga protective gear.

“The aim of this CAO is to expedite customs clearance of tax and duty-exempt importations of PPEs and medical goods which are urgently needed by the country’s citizens, frontliners, and medical supplies manufacturers in this public health emergency we are currently facing,” ayon sa statement ng BOC.