Inanunsyo ngayon ng aktres na si Sheena Halili na buntis siya sa panganay na anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ni Halili ang kanyang baby bump sa serye ng mga larawan, kasama na ang sonogram ng kanilang baby ng abugadong si Jeron Manzareno.

“And now we’re three! #13weeks,” saad sa caption.

Noong Pebrero 23 nang ikasal sina Sheena at Jeron sa isang enggrandeng seremonya.

Inalok ni Jeron si Sheena ng kasal noong Agosto 26 habang nanonood sila sa isang sinehan sa Greenhills.

View this post on Instagram

And now we’re three! #13weeks

A post shared by Sheena Yvette Halili-Manzanero (@mysheenahalili) on