Ibinunyag ng US-British talk show host Sharon Osbourne na ito ay dinapuan ng COVID-19.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng 68-anyos na si Osbourne na ito ay dinala pa sa pagamutan dahil sa nasabing sakit.

Nagnegatibo naman ang asawa nitong rakista na si Ozzy kaya nagdesisyon na pansamantalang lumayo.

Isinagawa nito ang pagbubunyag matapos na nagpositibo sa COVID-19 ang kasama nito sa talk show na si Carrie Ann Inaba.

Si Osbourne ay colon cancer survivor habang ang asawa nito na si Ozzy ay mayroong Parkinson’s disease.

Pinayuhan na lamang niya ang kaniyang mga social media followers na laging mag-ingat at maging malusog.