-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng mga opisyal sa New Bilibid Prison ang kaso ng tangkang pagpuslit ng hinihinalang shabu at SIM card papasok ng national penitentiary.

Batay sa ulat, napansin ng jail guard na may plastic sa loob ng adobong dala ng bisitang si Glenn Dayrit.

Kaya nang silipin ay nakitang may laman itong kontrabando.

Nabatid din na peke ang ID ginamit nito papasok.

Depensa naman ni Dayrit, napag-utusan lang siya na dalhin ang pagkain para sa naka-detineng si Ron dela Cruz.

Lumalabas sa records ng Bilibid na apat na beses ng nagdala ng ulam si Dayrit sa pasilidad kaya inaalam na rin kung may naipuslit itong droga noon.