-- Advertisements --

LAOAG CITY – Positibo ang resulta ng ikinasang Search warrant operation ng mga otoridad sa Barangay 16, San Nicolas.

Nakilala ang subject nag operasyon na si Crissa Gagaynan at residente ng nasabing barangay.

Ang search warrant ay inilabas ng RTC Branch 12 sa lungsod ng Laoag.

Nakumpiska ng mga otoridad ang tatlong sachet ng umano’y dahon ng marijuana, anim na sachet na naglalaman hinihinalang shabu at drug paraphernalia gaya ng lighter at stick na lahat ay nakuha sa higaan ng subject.

Samantala, sinabi ni Gagaynan na unang may nagtanong na pulis sa kanya at pagkatapos nito ay dumiretsong pumasok ito sa kanyang bahay.

Giinit nito na hindi niya pagmamay-ari ang mga nakumpiska at inilahad na may mga naglagay ito sa kanyang higaan at wala siyang ideya.

Aniya, hindi sa nagbabenta o gumagamit ng iligal na droga at wala siyang alam na dahilan upang maikasa ang opersyon.

Dagdag ni Gagaynan na handa siyang dumaan sa anumang proseso dahil wal siyang iligal na akitibidad.

Kaugnay nito, sinabi ni Police Lt. Ashley Cacayurin, deputy chief of police ngPNP-San Nicolas na ang subject ay kabilang sa category na Street Level Individual.

Paliwanag nito na unang nakatanggap sila ng report hingil sa iligal na akitibdad ng subject at matpos mavalidate ay nalaman na positibo ito dahilan upang maikasa ang operasyon.

Ani Cacayurin na ang sunjet ay posibleng gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga at sa mismong bahay nito naisasagawa ang pot session.

Dagdag nito na posible rin na inuwi ng subject ang mga iligal na drogo mula sa dati nitong lugar sa probinsya ng Samar.