Reading Time: 1 minute
SESAME STREET
Sesame Street

Nanguna ang U.S. children show na “Sesame Street” at ang bandang Earth, Wind and Fire na mabibigyan ng parangal sa Kennedy Center Honors.

Inanunsiyo ng prestisyosong arts awards ng America ang nasabing mabibigyang ng pagkilala sa The Kennedy Center sa Washington’s performing arts complex.

Kabilang sa mabibigyan ng pagkilala ang actress na si Sally Field, singer Linda Ronstadt at 11-time Grammy winning conductor Michael Tilson Thomas.

Gaganapin ang nasabing pagbibigay ng award sa Disyembre 8.