Serye nang pagpapasabog test mission ng BIFF

CENTRAL MINDANAO-Test mission umano ng mga bagong local bomb expert ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang serye ng pagpapasabog sa Maguindanao,Cotabato City at Libungan Cotabato.

Bago lamang nagtapos sa kanilang pagsasanay sa paggawa ng bomba ang 25 local bomb expert ng BIFF na sinanay ng mga dayuhang terorista.

Karamihan umano sa mga sinanay ay mga menor de edad o yaong mga kabataan.

Sa imbestigasyon ng militar at pulisya sa serye ng pagpasabog sa Central Mindanao lumabas na ang mga suspek ay nag-eedad 15 anyos hanggang 17.

Inatasan umano ni Shiekh Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife ng BIFF-ISIS Inspired Group ang mga bagong bomb expert na maglunsad nang pambobomba sa Mindanao.

Pinabulaanan naman ni Abu Misry Mama ng BIFF-Karialan faction ang serye nang pagpapasabog sa Cotabato at Maguindanao.

Kahit hindi kompirmado ang naturang ulat ay naghigpit parin ng seguridad ang militar at pulisya sa Mindanao.