Nilinaw Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maaring gamitin ng mga kooperatibo ang sertipikasyon na galing sa kanilang bilang alternatibong dokumento para makakuha ng tulong-pinansiyal sa government financial institution para sa Public Utility Vehicle Modernization Program.
Ito ang naging kasagutan ng LTFRB sa reklamo ng ilang kooperatiba at korporasyon na nahihirapang mangutang sa ilang mga Government Financial Institution (GFI) gaya ng Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines. dahil sa kasalukuyang pang tinatapos ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) gayundin ang Route Rationalization study.
Sa inilabas na Memorandum Circular ng 2023-018 ng LTFRB na maari ng maglabas ng alternatibong certificate ang ahensiya para sa kooperatiba at korporasyon na mayroong loan application.
Kabilang naman sa mga kwalipikadong bigyan ng alternatibong certificate ang mga kooperatiba at korporasyon na pumapasada gamit ang Public Utility Jeepney (PUJ) Class 1, 2, 3, at 4, at UV Express Class 3.