Iniutos ng pinakamataas na hukuman ng Nepal nitong Miyerkules na palayain ang kilalang French serial killer na si Charles Sobhraj “The Serpent” dahil sa kanyang edad at kalusugan.
Heart disease umano ang iniindang karamdaman ni Sobhraj at ito ay nangangailangan ng open-heart surgery.
Ayon sa court’s spokesperson Bimal Paudel, ang order ay agad na palayain at i-deport sa kanyang bansa sa loob ng 15 na araw si Sobhraj.
Habang buhay na pagkakakulong ang sentensiya sa 78 anyos na si Sobhraj at nagsilbi sa Kathmandu suburb of Bhaktapur sa kasong pagpatay ng dalawang turista noong 1975.
Siya ay unang nakulong sa Paris noong 1963 sa kasong pag nanakaw at nagkaroon pa ng iba’t ibang krimen sa maraming bansa tulad ng France, Greece, Turkey, Iran, Afghanistan, Pakistan, Nepal, India, Thailand at Malaysia.
Inamin ni Sobhraj ang pagpatay sa hindi baba sa 12 katao sa gitna ng taong 1972 hanggang 1976, ngunit ang totoong bilang ng kanyang mga biktima ay hindi parin malaman hanggang ngayon.
Matatandaan na mayroong award-nominated TV series na pinamagatang “The Serpent”, ito ay hango sa totoong kwento ng buhay ni Sobhraj. (report from Bombo Angelica Nuñez)