-- Advertisements --

Umani ng pagbati ang Formula 1 Singapore Grand Prix winner na si Sergio Perez.

Ito’y makaraang manguna siya sa naturang malaking aktibidad, habang pangalawa si Charles Leclerc at pangatlo si Carlos Sainz.

Pang apat naman si Lando Norris, pang lima si Daniel Ricciardo, pang anim si Lance Stroll, pang pito si Max Verstappen, pang walo si Sebastian Vettel, pang siyam si Lewis Hamilton at pang sampu si Pierre Gasly.

Ang nasabing event ay hudyat na rin ng iba pang malalaking aktibidad sa Singapore, kasabay ng pagbangon ng kanilang bansa sa epekto ng COVID-19 pandemic.