-- Advertisements --
Tinanggalan ng isang kidney si Serbian player Boriša Simanić matapos na ito ay masagi manlalaro ng South Sudan noong kasagsagan ng FIBA Basketball World Cup sa Pilipinas.
Nangyari ang insidente habang binabantayan ni Simanic si Nuni Omot ng aksidenteng tamaan ang kanang bahagi nito ng siko ng South Sudan player.
Dahil sa hindi nito nakayanan na sakit ay dinala siya sa pagamutan.
Kinumpirma ni Serbian coach Svetislav Pesic na tinanggal ang isang kidney ni Simanic.
Mananatili ito ng ilang linggo sa Pilipinas habang tuluyang nagpapagaling.
Humingi naman ng paumanhin si Omot dahil sa aksidenteng nangyari.
Nitong Martes ay tinalo ng Serbia ang Lithuania kung saan sila ay nakapasok na sa semifinal round ng FIBA World Cup.