-- Advertisements --

Nakakuha ng bronze medal ang sepak takraw team ng bansa sa nagpapatuloy na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Nabigo kasi ang nasabig koponan kontra Indonesia 15-21, 25-24, 21-17 sa semifinals ng men’s quadrant.

Ito ang kauna-unahang medalya ng Sepak Takraw team sa Asian Games.

Ang koponan ay binubuo nina Vince Torno, Mark Joseph Gonzales, Rheyjay Ortouste, Ron Gabayeron, Jom Rafael at Jason Huerte.

Bago dito ay unang tinalo ng koponan ang Singapore 21-8, 21-15 para maka-abanse sila sa semifinal round.