Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas na ito’y well-capitalized at walang napaulat na exposure o transaksiyon ng mga bangko sa Silicon Valley Bank.
Ang pahayag ay binigyang diin ni Bangko Sentral Gov. Felipe Medalla matapos na mapabalita na ang malaking bangko sa Estados Unidos ay bumagsak matapos na ang asset nito ay kumpiskahin ng mga awtoridad ng United States.
Sinamsam kasi nito ang umano’y $1.8 billion mula sa kita nito na $21 billion halaga ng securities.
Kaugnay niyan, patuloy na susubaybayan ng BSP ang mga pag-unlad sa mga international at domestic markets bilang bahagi ng mga aktibidad sa pagpapanatili ng katatagan ng bangko.
Nauna nang sinabi ng Bankers Association of the Philippines na ang kamakailang pagkabigo ng mga bangko sa US ay walang malaki o materyal na epekto sa mga bangko sa Pilipinas.
Sa ngayon, pinangangambahan na posibleng magkaroon ng spillover sa buong US banking system kaugnay ng pagsasara ng naturang bangko.