Nagpulong ang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines sa isang forum kahapon, Abril 2, 2024 para suportahan ang gender and Development program ng militar.
Sa ilalim ng partnership ng United Nations Women Philippines at Philippine Commission on Women ay naging daan ang Senior Leaders’ Forum on Gender and Development upang talakayin ang partisipasyon ng kababaihan sa pamahalaan, gayundin ng kanilang papel para sa pagpapatupad ng kapayapaan at seguridad sa bansa.
Dito ay kapwa nagpahayag din ng kani-kanilang gender mainstreaming best practices ang kalahok sa naturang forum mula sa AFP Major Services na nagpapaigting pa sa gender equality at women empowerment sa buong Sandatahan Lakas.
Samantala, kaugnay nito ay naniniwala naman si AFP Deputy Chief of Staff, LTGen. Charlton Sean Gaerlan na ang isinagawang Gender and Development forum na ito ay makakatulong sa pag-capacitate sa mga senior leaders ng Hukbong Sandatahan at maging sa kanilang mga units at offices na mas malalaman pang maintindihan ang Gender and Development Policies and mandates ng buong kasundaluhan.