-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang isang senior citizen matapos magpatiwakal sa Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Danilo Demapilis, 63-anyos, residente ng Zone 3, Barangay Bagadion sa nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt. Emyrose Organis, tagapagsalita ng Libmanan Municipal Police Station, sinabi nito na natagpuan na lamang ng asawa ng biktima na si Hermilina Demapilis ang katawan ni Danilo na wala ng buhay habang nakabigti sa beam ng kanilang bahay.

Ayon pa kay Organis na base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nakakaranas umano ng depresyon ang biktima dahil sa dinaramdam nitong epilepsy.

Dagdag pa dito, pinaniniwalaang ilang oras nang wala ng buhay ang biktima bago pa makita si Hermilina.

-- Advertisement --

Samatala, dinala pa sa ospital si Danilo para sa agarang lunas ngunit wala na itong buhay.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.