Sen Panfilo Lacson
Lacson/ FB photo

Sinagot ng ilang senador ang panibagong pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa problemang hinaharap ng sektor ng transportasyon sa bansa.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, maaaring matawag na “president for life” si Duterte kung tuluyan nitong maso-solusyunan sa loob ng isang buwan ang matagal ng traffic sa EDSA, gayundin ang delayed flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Para naman kay Senate Pres. Tito Sotto, magandang punto ang itinutumbok ng pangulo pero sana raw ay makahanap din ito ng konkretong solusyon na tutugon sa transport issues.

Kamakailan nang ihayag ni Duterte ang panibagong pangako nito hinggil sa limang minutong biyahe ng mga motorista sa Metro Manila mula Cubao patungong Makati City.

Nitong araw naman nang biglang mag-inspeksyon ang pangulo sa NAIA.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here