Ikinalungkot ng mga senador ang naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang kanselahin ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, sana ay may reserbang plano ang pangulo sa anumang epekto ng pag-abandona sa kasunduan.

Para kay Sen. Panfilo Lacson, wala na tayong magagawa ngayon kundi ang magbilang ng nalalabing araw bago maging epektibo ang kanselasyon sa VFA.
Asahan na raw na mawawala na ang maraming bagay, kagaya ng intelligence information, US military aid at iba pa.

“Like it or not, bad or good, nothing much can be done now but do a 180-day countdown upon receipt of the notice by Washington. What is certain is that the 1951 PH-US Mutual Defense Treaty will now be reduced to a mere paper treaty as far as the US is concerned. Having said that, there’s no more intelligence information sharing in our fight against domestic and foreign terrorist acts, no more US military aid and financing that accounts for a good 52% of what they extend to the whole Asia-Pacific region. That may not include other intangible economic benefits and security from external threats in the West Philippine Sea, as well as humanitarian aid in times of disasters, epidemics and other crises,” pahayag ni Lacson.

Sa panig ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, nagawa na nilang mag-advice, pero hindi naman iyon sinunod.

“We can give advice. But the matter of whether or not the President will listen to advice is the prerogative of the President. We cannot do anything. That’s a political issue,” wika ni Drilon.

Umangal naman si Sen. Ronald dela Rosa sa ilang tila naninisi sa kaniya sa kanselasyon ng VFA.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na isa sa kaniyang rason sa pagbasura sa treaty ang pagkansela sa visa ni Sen. Bato, na siyang nasa likod ng anti-drug war dati ng administrasyon.

“Ako ang sinisisi? My case was just the last straw. It was an actuation of gripes and disrespect na ginawa nila sa atin,” wika ni Dela Rosa.

Bahagya namang nagkaroon ng kalituhan sa pagitan ng mga senador ang planong pagbawi ni Sen. Imee Marcos sa kaniyang boto sa VFA issue.