-- Advertisements --

Hiniling ni Senator Imee Marcos sa Department of Health na ipamigay na lamang ang COVID-19 vaccines at booster doses sa anumang sektor na nangangailangan bago ang expiration ng mga ito ngayong buwan.

Binigyang diin ng Senadora na ang bilyong peso na halaga ang inilaan para sa pagbili ng bakuna habang nasa libu-libong indibidwal aniya ang humihiling na mabakunahan ng booster shot sa buong bansa.

Tinukoy ng Senadora ang nasa P5 bilyong binili na booster gaya ng Moderna na nag-expirena o nawalan ng bisa noong July 27 kung kayat dapat na aniyang ipamigay para mapakinabanagan kaysa mabasura lamang.

Sianbi din ng Senadora na mayroon ding Pfizer vaccines ang malapit ng mag-expire.

Maliban anoya sa kakulangan ng pondo ng mga LGUs sa Metro Manila at mga probisniya nagkukulang din ng booster shots para sa mga mahihirap na kababayan.

Kaugnay nito, hinimok ng Senadora ang pamahalaan na huwag ng antayin pa tumaas ang covid-19 cases bago magbigay ng booster shots.