-- Advertisements --
image 82

Iginiit ni Senator Grace Poe na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay halos 100 porsyento na responsable sa kontrobersyal na air traffic fiasco na naganap noong Bagong Taon.

Humigit-kumulang 65,000 pasahero ang naapektuhan ng pagkawala ng kuryente na nagpabagsak sa mga pasilidad ng air navigation.

Ayon kay Senator Poe, ang chairperson ng Senate Committee on Public Services, halos lahat ng pananagutan ay nasa Civil Aviation Authority of the Philippines.

Binigyang-diin ng Senadora na hindi niya partikular na sinisisi ang mga air traffic operator dahil marami sa kanila ay napakahusay na nagagampanan ang kanilang trabaho.

Samantala, tinanong ni Senator Poe kung sang-ayon ang ilang mga opisyal sa mga panawagan na magbitiw si Transportation Secretary Jaime Bautista kasunod ng nangyaring insidente.

Giit ng senadora na susubukin umano ang pamumuno ni Bautista matapos ang airport meltdown na nangyari noong unang araw ng Bagong Taon.