-- Advertisements --

Nanawagan si dating Senador Panfilo Lacson na ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa insidente ng pamamaril ay dapat nakatuon sa reporma at preventive measures, imbes na sa pagtukoy ng kriminal na pananagutan.

Ayon kay Lacson, mas mainam na ipaubaya sa NBI, PNP, at DOJ ang aspeto ng kriminal na imbestigasyon.

Binigyang-diin niya na ang Committee of the Whole inquiry ay dapat maglatag ng remedial legislation upang maiwasan ang pag-uulit ng insidente.

Plano rin niyang irekomenda ang pagsusuri sa buong CCTV footage mula Mayo 11 hanggang Mayo 14 upang malinawan ang mga alegasyon ng “spliced” na video.

Tinuligsa ni Lacson ang umano’y kakulangan sa paghahanda ng NBI, dahil dalawang babaeng ahente lamang ang ipinadala upang lapitan si Senador Ronald dela Rosa.

Kaugnay naman sa alegasyon laban kay Senador Robinhood Padilla, sinabi ni Lacson na dapat itong dumaan sa Senate Ethics Committee.

Sa kabuuan, iginiit ni Lacson na ang imbestigasyon ng Senado ay dapat manatiling nakatuon sa reporma, proseso, at seguridad, kaysa sa pagtuturo ng sisi. (report by Bombo Jai)