-- Advertisements --

Plano ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dagdagan pa ang bilang ng araw ng kanilang sesyon sa senado.

Ayon kay Zubiri na nais nitong gawing nine working days ang dating six working days.

Ibig sabihin nito ay magiging tatlong linggo ang trabaho imbes na dalawang linggo lamang.

Ito ay para maiwasan ang mga kapwa nitong senador at mga empleyado ng senado na matapos ang trabaho ng hanggang madaling araw.

Magbubukas kasia ng session sa Enero 23 at sila ay mag-aadjourn sa Marso 23 para sa Lenten break.

Muling magbabalik sila sa huling linggo ng Abril hanggang mag-break sa Hunyo bago ang pagtatapos ng first regular sessions.