Inalmahan ng liderato ng Senado ang panibagong hirit ng ilang opisyal ng gobyerno na ipasa na ng Kongreso ang Anti-Endo Bill o ang panukalang tatapos sa contractualization scheme.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, malaking “inaccuracy” ang nasabing pahayag.
Giit ng mambabatas, ipinasa na ito sa kanilang panig, ilang taon na ang nakakaraan.
Pero noong Hulyo 26, 2019, si Pangulong Rodrigo Duterte umano ang nag-“veto” ng kanilang ipinasang bill, kaya hindi ito naisakatuparan.
Nilinaw din nitong ang Senate Bill 1826 o Anti-Endo Bill ay nahimay nila noon pang 17th Congress, habang ang mga lumalabas na hindi naipasang Senate Bill 1826 noong 18th Congress ay panukalang tungkol sa lalawigan ng Rizal.
“Inaccuracy galore! A certain exec is asking Congress to pass Anti Endo bill! Huh? WE DID! President vetoed it July 26, 2019! SB 1826 of the 18th Congress ia about the Province of Rizal! Balakayojan!,” Twitter post ni Sotto.