Umapela si Senador Risa Hontiveros ng isang “proper reintegration and rehabilitation plan” para sa mga apektadong miyembro ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) kasunod ng pagkansela ng land use deal nito para sa isang protected area sa Surigao del Norte.
Nitong lunes, kinumpirma ng pamunuan ng Department of Environmental and Natural Resources na tuluyan na nilang kinansela ang Protected Area Community-Based Resource Management Agreement (PACBRMA) ng People’s Organization ng Socorro Bayanihan Services Incorporated na pinamumunuan noon ni Senior Aguila.
Sa kabila ng pagsuporta ni Hontiveros sa pagkansela ng kasunduan sa lupa, kailangang protektahan ang mga miyembro ng SBSI na naninirahan sa lugar.
Binigyang-diin ni Hontiveros na ang mga miyembro ng SBSI ay biktima rin ng mga maling pangako ng umano’y lider ng kulto na si Jey Rence Quilario, o mas kilala bilang “Senior Agila.”
Umapela pa si Hontiveros sa lahat ng miyembro ng SBSI na makipagtulungan sa gobyerno sa prosesong ito.