-- Advertisements --

Pinayagan na ng Senado na dumalo si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. nang online sa mga sesyon ng Senado. 

Ito ay matapos na namaga at bumuka ang sugat nito mula sa achilles tendon repair surgery. 

Magugunitang noong nakaraang buwan ay sumailalim sa achilles tendon repair surgery si Revilla. 

Sa plenaryo ay nagmosyon si Senadora Imee Marcos na suspindehin muna ang rules ng Senado para payagan ang virtual attendance ni Revilla sa sesyon hanggang nagre-recover ito. 

Batay kasi sa rules ng Senado, pinahihintulutan lamang ang virtual attendance ng senador sa senate sessions kung may COVID-19 at iba pang nakahahawang sakit ang isang senador. 

Bagay naman na kinatigan ni Senador Chiz Escudero at iminungkahi sa Committee on Rules na repasuhin ang Senate rule. 

Nagkaisa na bumotong pabor ang mga senador na gawing exemption sa rule na ito si Revilla. 

Una na ring naghain ng medical leave si Revilla dahil sa kanyang kondisyon.