-- Advertisements --
image 175

Pabor si Senator Francis Tolentino sa total revamp kaugnay ng electoral system sa bansa.

Naniniwala ang senador na hindi mareresolba ang problema sa electoral system sa bansa sa partial o piecemeal amendments ng Omnibus Election Code.

Kasunod nito, muling binuhay ni Tolentino ang pagkakaroon ng hybrid elections sa bansa.

Ipinunto nitong habang desirable daw ang mabilis na pagpapalabas ng resulta ng halalan na kayang i-provide ng automated transmissions kailangan din umanong ma-exist ang transparent pero manual counting process.

Dagdag ni Tolentino na ang Omnibus Election Code ay binuo pa noong taong 1985 at ang mga provisions nito ay ay hindi na raw angkop sa kasalukuyang sitwasyon.

Ani Tolentino, isa raw sa mga isyu na sisilipin nito ay ang disenfranchisement ng seafarers na bigong makaboto dahil sa nature ng kanilang trabaho.

Ito ay sa kadahilanang saan-saang bansa kasi dumadaong ang sinasakyan ng mga itong barko at hindi makaboto.

Ang Omnibus Election Code ay kinabibilangan ng lahat ng election sa public officers, referenda at plebiscites.