-- Advertisements --

Inamin ni Senador Jinggoy Estrada na kinakabahan siya para sa magiging hatol ng Sandiganbayan bukas kaugnay ng kanyang kasong plunder.

Ayon kay Sstrada, may kaba pa rin siyang nararamdaman dahil ang lahat ay posibleng mangyari.

Bagamat nakararamdam ng kaba ang Senador, umaasa itong kakatigan siya ng anti-graft court lalo na at pinayagaan na ito noon na makapagpiyansa.

Patunay lamang aniya na walang malakas na ebidensya laban sa kanya.

Magugunitang halos sampung taon na ang nakararaan mula nang arestuhin si Estrada sa kasong plunder matapos maakusahang tumanggap ng p183 million pesos na kickback mula sa kanyang priority development assistance fund (PDAF).

Umaasa ang Senador na malilinis ang kanyang pangalan lalo na’t naapektuhan raw ang kanyang buong pamilya.

Sa ngayon aniya ay walang ibang paghahandang ginagawa si Estrada kundi magdasal.