Inihayag ni Senadora Imee Marcos na kanyang isinusulong ang pagsasagawa ng senate inquiry na may layuning matukoy ang ang pagiging epektibo ng Republic Act 6735 o mas kilala bilang Initiative and Referendum Act.
Batay sa inihaing Senate Resolution 903 ni Sen Imee, sa pamamagitan nito ay nakatitiyak ang makatotohanang paraan para ang taumbayan mismo ang makapagpanukala ng amyenda sa saligan batas.
Inilabas ng senadora ang resolusyon sa kabila ng mga impormasyon hinggil sa ilang opisyal ng gobyerno na nangangalap ng pirma mula sa iba’t ibang congressional districts para sa isang People’s Initiative pabor sa Charter Charter o pag amyenda sa konstitusyon.
Nakasaad sa naturang batas na nag taumbayan ay may kapangyarihan na direktang magpanukala, magpatibay, mag-apruba o tumanggi sa konstitusyon, batas, ordinansa, o resolusyon na ipapasa ng anumang legislative body ng pamahalaan.
Sa resolusyon ni Marcos, binigyang diin nito ang kawalan umano ng tala kung ilang bes na nagamit ng matagumpay ang RA 6735.